-- Advertisements --
image 421

Ikinabahala ngayon ni Philippine National Police Chief PGEN Benjamin Acorda Jr. ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kasong may kaugnayan sa cybercrime sa bansa.

Ito ang inamin ni hepe ng Pambansang Pulisya sa gitna ng mga ulat na naglipana ang mga cyber-related crimes sa Pilipinas.

Aniya, ang isyung ito ay isa sa kanilang mga tinalakay sa kaniyang ipinatawag na command conference sa Camp Crame ngayong araw.

Dahil dito ay magpapatupad ngayon ng mas mahigpit na pagbabantay ang pulisya ukol dito bilang bahagi ng mga prayoridad ng Pambansang Pulisya.

Kaugnay nito ay tinatarget ngayon ni PNP chief Acorda na magtatag ng Anti-Cybercrime Unit sa bawat mga police station sa iba’t-ibang mga rehiyon.

Ito ay upang mabigyan ng kapasidad ang mga bawat himpilan ng kapulisan na labanan ang mga krimen na nangyayari online.

Kung maaalala, una nang iniulat ni Presidential Anti-Organized Crime Commission na batay sa kanilang naging monitoring ay mas malala ngayon ang problema ng bansa pagdating sa online scamming kung ikukumpara sa suliranin ng ilegal na droga at iba pang uri ng krimen