Pinapurihan ng National Task Force on West Phil Sea (NTF-WPS) si Pang. Ferdinand Marcos Jr., dahil sa kaniyang pagsisikap na muling makuha ang suporta ng ASEAN para sa peaceful dispute resolution sa West Phil. Sea.
Tinalakay kasi ng Punong ehekutibo sa ASEAN Summit na patuloy ang paninindigan ng Pilipinas na protektahan ang soberenya at ang territorial integrity nito.
Nauna nang hinimok ng Pangulo ang ASEAN na huwag payagan ang pandaigdigang mapayapang kaayusan na isailalim sa mga puwersang magsusulong ng hegemonic na ambisyon sa West Phil. Sea.
Ayon kay National Security Council (NSC) Assistant Director Jonathan Malaya ang ginawang pagsisikap ng chief executive na makuha ang suporta ng ASEAN ay lalong magpapalakas sa ating diplomatic efforts na mapanatili ang regional peace and security sa bansa.
Dagdag pa ni Malaya na nakakataba ng puso ang ginawa ng Pangulo at magsisilbi din itong inspirasyon para sa mga otoridad na pagbutihin pa ang pagtatrabaho ang protektahan ang teritoryo ng Pilipinas.