-- Advertisements --

Ibinunyag ni NBA commissioner Adam Silver na posibleng hindi umano ituloy ng liga ang planong pagbubukas ng 2020-21 season ng liga sa Disyembre 1 (Disyembre 2 sa Pilipinas).

Ayon kay Silver, masyado raw maaga kung tutuusin ang nasabing petsa lalo na’t ang kanilang pinakalayunin ay maibalik sa mga home court ang mga laro ng bawat koponan.

Ito rin daw ay para maibalik ang panonood nang personal ng mga fans sa mga arena.

Bagama’t naging matagumpay din aniya ang NBA bubble sa Lake Buena Vista, Florida, sinabi ni Silver na hindi raw sila nakapokus sa pagkakaroon ng isa pang quarantined campus para sa susunod na season.

Hindi naman sinabi ni Silver kung kailan posibleng ilipat ang petsa ng naturang aktibidad.