-- Advertisements --

Ipinayo ni FIFA’s medical committee chairman Michel D’ Hooghe na hindi dapat magkaroon ng mga laro hanggang sa buwan ng Setyembre dahil sa coronavirus pandemic.

Sinabi nito na dapat hindi maliitin ng mga manlalaro ang nasabing epekto ng virus.

Pinapahalagahan lamang niya ang kalusugan ng mga manlalaro at opisyal ng FIFA.

Magiging mas malala ang sitwasyon kapag nagkahawaan ang mga manlalaro.

Nauna rito iminungkahi ng Bundesliga na simulan ang mga laro sa susunod na buwan habang sa Hunyo naman ang plano ng Premier League na magsimula ng mga laro subalit ito ay close door.