-- Advertisements --

Posibleng magsimula ang panahon ng tag-init sa bansa bago matapos ang buwan ng Marso ayon sa state weather bureau.

Ito ay sa gitna ng patuloy na paghina ng northeast monsoon o hanging Amihan.

Ayon kay state weather forecaster Veronica Torres, posibleng ideklara ng bureau ang pagsisimula ng hot season sa susunod na mga araw bago mag-Abril.

Sa ngayon, hindi na ramdam ang epekto ng hanging amihan sa bansa.

Kaugnay nito, tinatayang makaranas ang Metro Manila ng mainit na panahon lalo na sa hapon.

Ngayong araw ng Martes, Marso 25, inaasahang makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan at thunderstorms dahil sa intertropical convergence zone (ITCZ) ang mga lugar sa Davao region, Zambonga Peninsula, Soccsksargen at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Habang sa Metro Manila at nalalabing parte ng bansa ay inaasahang makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa epekto ng easterlies.