-- Advertisements --
Ipapaubaya na ng Commission Higher Education (CHED) sa mga unibersidad ang desisyon kung kailan nila nais na magsimula ng second semester.
Karapatan aniya nila na isangguni ito sa mga local government unit dahil sa sila ang nakakaalam ng dami ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.
Sinabi ni CHED Chairman Prospero De Vera na karamihan sa mga unibersidad ay sa Pebrero magsisimula ang second semester.
Mahigit 260 rin na mga higher education institution ang nagdeklara ng academic break subalit hindi sila apektado dahil sa karamihan ay sa Pebrero ang pagsisimula ng klase.
Pinayuhan din nila ang mga namumuno sa mga unibersidad na makipag-ugnayan sa kanilang LGU para matiyak kung matutuloy ang face-to-face classes.