-- Advertisements --

Naniniwala si Dr. Anthony Fauci, ang director ng National Institute of Allergy and Infectious Diseases na magiging maganda ang pandemic response ng US kapag nagsimula na ang transition ni President elect Joe Biden.

Sinabi nito na handa na silang makatrabaho ang transition ni Biden.

Pinuri rin ni Fauci ang pagkakapili ni Biden kay Ron Klain bilang kaniyang chief of staff.

Aniya na nakatrabaho nito sa Klain noong Ebola Outbreak.