Tuluyan nang tinapos ng Department of Agriculture ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa kaso ng Q fever na natukoy kamakailan sa ilang kambing na inangkat mula sa ibang bansa partikular na sa US.
Kung maaalala, natukoy na ang mga ilan sa mga kambing na nagmula sa farm sa US ay positibo sa naturang virus o sakit
Nagpositibo na ang natirang bilang ng kambing noong huling buwan ng nakalipas na taon bago paman ito dinala sa Pilipinas
Batay sa datos, ang Q fever ay banta dahil malaki ang posiblidad na makahawa ito sa iba pang alagang hayop.
Kabilang na rito ang mga kambing, tupa at baka.
Ayon sa DA, ito ay maaari ring makaharap sa mga taong may close kontak sa kontaminadong hayop.
Ilang mga empleyado rin ng Bureau of Animal Industry ang sinuspinde ng DA dahil sa naturang isyu.