-- Advertisements --

ILOILO CITY – Hindi na mandatory ang pagsuot ng face mask at pagsunod sa physical distancing sa full in-person graduation ceremony sa ilalim ng Department of Education.

Ito ay base sa inilabas na Department of Education Order No. 9 series of 2023.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Ramir Uytico, director ng Department of Education Region VI, sinabi nito na maaaring masusunod ito kung ang venue ng graduation rites ay sa mga open gym o sa mga lugar na may magandang ventilation.

Dagdag pa ni Uytico, nakadepende naman sa mga paaralan kung may numero lamang sila ng atendees na papayagan na pumasok sa venue.

Ang graduation rites ang dapat na gaganapin sa mga petsa sa pagitan ng Hulyo 10 at Hulyo 14.

Napag-alaman na noong nakaraang taon, ipinatupad ang face-to-face na graduation ceremony ngunit strikto na sinunod ang physical distancing at pagsuot ng face mask.

Nilimitahan rin ang numero ng mga participants at maging ang mga activities sa seremonya.