-- Advertisements --

Tututukan ni Incoming AFP Chief of Staff Lt.Gen. Cirilito Sobejana ang pagsugpo sa mga kalaban ng estado.


Sa exclusibong panayam ng Bombo Radyo kay Sobejana kaniyang sinabi “long and lasting” peace ang nais niyang ibigay para sa mga mamayang Pilipino.

Kaya gagawin nito ang lahat para mapanatili ang kapayapaan sa bansa.

Aniya, sa ngayon kasi tukoy na nila ang mga kalaban ng estado at may hakbang na rin dito ang militar sa kung paano ito tugunan.

Inihayag ni Sobejana, makikipag-ugnayan sila sa ibat ibang stakeholders na makakatuwang ng militar sa pagpapanatili ng peace and order.

Siniguro ng heneral na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya para magampanan ang kanilang mandato at misyon.

Patuloy na palalakasin ng militar ang kanilang mga capabilities lalo na sa Philippine Army ng sa gayon makamit ang pinaka-aasam na maging world class army sa buong mundo.

” Ang Armed forces is primarily responsible in resolving the security issues so we will sustain our best effort addresiing all the threats and I am looking forward for better convergence with the different stakeholders we should recogngze that security is everybodys responsibility, in doing so we will continue to build our capabilities and achieved our vision of becomong world class army that is a source of national pride so medyo marami ang gagawin,” pahayag ni Lt.Gen.Sobejana.

Dagdag pa ng Army Chief, ” I need to reorganized my thoughts from being a combat commander to a force provider then combining all of this things I should be able to come up with a very comprehensive plan that will further strengthen our security posture across the archiplelago.”