-- Advertisements --

Inaaksyunan na ng Department of the Interior and Local Government ang talamak na pamimirata ng pelikulang Pilipino sa ating bansa.

Ito ang tiniyak ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. kasunod ng paghingi ng saklolo sa kaniya ng grupo ng mga local film producers sa Pilipinas.

Bukod kasi sa mga patung-patong na buwis at iba pang gastusin ay isa rin ang talamak na pamimirata sa mga pelikula sa mga suliraning kinakaharap ng industriya ng pelikulang Pilipino na nagdudulot din ng malaking kabawasan sa kinikita nito.

Dahil dito, mas pinatututukan ngayon ni Sec. Abalos sa PNP ang pagsugpo sa film piracy sa bansa katuwang ang iba’t-ibang ahensya ng Pilipinas kabilang na ang National Telecommunications Commission, at National Bureau of Investigation.

Kung maaalala, una nang sinabi ni Sec. Abalos na kakausapin niya mismo ng personal ang mga local chief executive sa bansa para kumbinsihin ang mga ito na mapagbigyan ang hirit ng mga local film producers sa Pilipinas na tatlong taong tax holiday sa pelikulang Pilipino na naglalayong matulungang muling makabangon ang industriya mula sa naging epekto ng pagtama ng COVID-19 pandemic sa ating bansa.