Umani nang magkakahalong reaksyon ang pagsulat ni British Prime Minister Theresa May sa European Union (EU) para palawigin pa ang Brexit extension ng hanggang Hunyo 30.
“I am writing, therefore, to inform the European Council that the United Kingdom is seeking a further extension,” bahagi ng sulat ni May. “The United Kingdom proposes that this period should end on June 30 2019.”
Ayon sa ilang mga EU ambassadors, kuwestiyunable ang hiling na extension.
Magkakaroon din aniya ito ng epekto sa gagawing election sa European Parliament sa buwan ng Mayo.
Pag-uusapan naman ang nasabing sulat sa gagawing emergency summit ng mga European Union leaders.
Nanindigan din ang France na dapat bigyan lamang ang UK ng dalawang linggong extension.
Magugunitang sumulat ang British Prime Minister sa European Union para palawigin ang April 12 na deadline matapos na wala pa ring napagkasunduang deal ang mga mambabatas sa kanilang parliyamento.
Hindi naitago ng lider ng Britanya ang labis na pagkadismaya sa nagaganap na proseso bago ang paghiwalay nila sa EU.
“It is frustrating that we have not yet brought this process to a successful and orderly conclusion.”