-- Advertisements --

Suportado ng Malacañang ang panawagang gawing National Artist ang batikang aktor at film director na si Eddie Garcia na pumanaw na kamakailan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kung siya ang tatanungin, kuwalipikado si Manoy dahil sa naiambag nito sa pitong dekada sa industriya ng pelikula.

Pero ayon kay Sec. Panelo, may mekanismo sa pagpili ng National Artist at irerekomenda ito ng National Commission on the Culture and Arts (NCAA).

Una nang inihayag ni Sec. Panelo na malaking kawalan sa entertainment industry ang pagpanaw ni Manoy.

Hindi aniya matatawaran at walang makakapantay sa iniwang marka at kontribusyon ni Manoy sa industriya.