-- Advertisements --
Hinikayat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang mga deboto ng Jesus Nazareno na sumunod sa mga turo ni Hesus Kristo.
Pinangunahan ni Advincula ang Misa Mayor nitong hatinggabi ng Huwebes bilang hudyat ng pagsisimula ng kapiyestahan ng Itim na Nazareno.
Sa kaniyang misa ay binigyang halaga niya ang pagkakaroon ng pag-asa kay Hesuse at pagsunod kay Hesus bilang tanda ng tunay na deboto.
Ngayong taon kasi ang tema ng kapiyestahan ay ” “Mas Mabuti ang Pagsunod kaysa Paghahandog sa mga Umaasa kay Jesus”.
Ang nasabing misa ay dinaluhan din ng mga opisyal ng gobyerno at maging ilang mga local celebrities.