-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Hindi nagtagumpay ang pagsunog ng bangkay ng isang Korean citizen matapos namatay ang apoy sa loob ng nakaparadang sedan.

Ayon sa pulisya na nasunog lamang ang drivers seat subalit hindi na lumaki ang apoy dahil sarado ang nasabing sasakyan habang nakaparada ito sa Purok Masagana, Barangay Baluan nitong lungsod.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Hong Hyun Seong, contractor bidder na residente ng zone 3 barangay Labangal nitong lungsod.

Sa ginawang imbestigasyon nasa back seat ang biktima sa puting kotse na may plate number NAO 1882 na nakaparada lamang sa lugar.

Pasado alas dyes kagabi nakita ng mga residente ang pagdaan ng nasabing sasakyan matapos pinagdudahang nag date ang mga sakay nito.

Subalit kaninang umaga nakita ng mga residente na may bangkay sa kotse kaya itinawag sa barangay .

Binasag pa ng pulisya at mga tanod ang salamin ng sasakyan at tumambad ang bangkay ng biktima.

Sa luob nga sedan narekober ang isang basyo ng baril at isang container na may anim na litro ng gasolina.

Nalaman na sunog na ang driver seat ng sasakyan subalit hindi naabot ang pinaglagyan ng gasolina.

Ayon sa pulisya kung naabut ng apoy ang gasolina posebling masunog ang buong sasakyan pati na ang bangkay ng biktima.