-- Advertisements --

LA UNION – Kabuuang 240 na indibiduwal ang nakibahagi sa indignation rally na pinangunahan ni Lt. Col. Rodrigo Mariñas, commanding officer ng 81st Infantry Battalion, Philippine Army (81st IB, PA) sa Poblacion, Suyo, Ilocos Sur.

Naging tampok sa indignation rally ang pagsunog sa effigy o larawan ng mga personalidad na sinasabing lider ng New People’s Army (NPA).

Sinabi ni Lt. Col. Mariñas, ang nasabing hakbang ay kanilang paraan para kondinahin ang hindi magandang gawain ng mga rebelde, na taliwas sa batas ng estado.

Maliban dito, hangarin ng mga sundalo na ipakita sa mpubliko na marami nang mga supporters ng NPA ang nagbalik loob sa pamahalaan.

Kasama ng PA sa indignation rally ang mga kagawad ng Suyo PNP, mga LGU officials sa Suyo, Ilocos Sur at iba pang sektor ng pamahalaan.