-- Advertisements --

CEBU – Nagpalabas ng Executive Order (EO) No. 16 si Cebu Provincial Governor Gwendolyn Garcia na tinatawag na ‘Rationalizing the Wearing of Face Masks within Cebu’.

Kaugnay nito ay hindi na ‘required’ ang pagsusuot ng face mask sa mga open spaces at outdoor settings sa Cebu province.

Ngunit, nakasaad sa nasabing executive order na ‘required’ pa rin ang pagsuot ng face mask sa mga ‘closed’ o air-conditioned spaces.

Gayunman, pinayuhan pa rin ng provincial government ang publiko na ipanatili ang pagsuot ng face mask lalong-lalo na sa mga matataong lugar, gayundin sa mga taong may mga sintomas ng COVID-19 kagaya na lang ng lagnat, ubo, sipon kung pupunta sa mga matataong lugar.

Ang Cebu Province ay isinailalim pa rin sa Alert Level 2 hanggang June 15.