-- Advertisements --

Magiging compulsary na ang pagsusuot ng face mask sa Spain hannggang wala pang bakuna laban sa coronavirus.

Ayon kay Health Minister Salvador Illa na magpapatuloy ang nasabing hakbang kahit na matapos ang idineklarang state of emergency sa Hunyo 21.

Mahigpit din na magpapatupad ang mga kapulisan sa nasabing batas kung saan kanilang aarestuhin at papatawan ng multa ang mga lalabag.

Aabot sa $113 ang multa sa mga mahuhuling lalabag sa hindi pagsusuot ng face mask.

Mula pa kasi noong Mayo 21 ay naging compulsary na ang pagsusuot ng face mask sa mga may edad anim pataas at ang pagpapatupad ng physical distancing.