-- Advertisements --

ILOILO CITY – Pinatitigil na ng Iloilo City government ang mandatory na pagsusuot ng face shield kasunod nang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Batay sa Regulation Ordinance No. 2020-095 ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas, magiging boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face shield sa pampublikong lugar at “3Cs” na kinabibilangan ng “close contact areas, at confined and enclosed spaces.”

Maituturing na crowded places ang mga lugar kung saan nagtitipun-tipon ang maraming tao kabilang na ang swab at vaccination sites, evacuation centers, at mga lugar kung saan ipinapamahagi ang mga ayuda.

Bukod dito, inalis na rin ng lokal na pamahalaan ang mandatory na paglalagay ng plastic barrier sa mga motorsiklo at pampublikong sasakyan sa lungsod.