GENERAL SANTOS CITY – Hindi pa man apektado ang mga tuorist destination sa bansang Singapore subalit pinaiingat na ng Ministry of Health ang mga residente sa Wuhan virus matapos kinumpirma na may pitong Chinese national ang nagpositibu na nagmula sa Wuhan City.
Ayon kay International correspondent Faye Aude sa Singapore na nagpalabas na ng order si Minister Teo Chea Heen para mapangalagaan ang publiko laban sa makamatay na virus kayat pinasuot sila ng mask panahon na lumabas ng bahay.
Marami aniya sa mga OFW’s ang pinili na huwag na lamang lumabas dahil nagpatuloy ang pagdating sa Singapore ang mga Chinese na unang kumuha ng booking bago pumutok ang isyu sa Wuhan virus.
Sinabi rin nito na talagang mahigpit ang seguredad na pinatupad sa mga paliparan kagaya ng Changi airport na isa sa pinakalamaking airport ng Singapore.