Umani ng magkakahalong reaksyon ang pagsuot ng face mask sa kauna-unahang pagkakataon ni US President Donald Trump.
Sinabi ni House Speaker Nancy Pelosi, nangangahulugan nito na tinatanggap na ng US President ang kahalagahan ng pagsuot ng face mask para hindi na kumalat pa ang coronavirus.
Dagdag pa nito na sa pamamagitan nito ay mababago na ang ugali ng US President.
Ayon naman sa campaign spokesman ni dating Vice President Joe Biden na si Andrew Bates na ang pagsusuot ni Trump ay tila sinayang nito ang ilang buwan na nagresulta sa pagdami ng kaso ng coronavirus.
Magugunitang nakasuot na ng face mask ang US President ng ito ay dumalaw sa Walter Reed National Military Medical Center.
Ito ang unang beses na ginawa ni Trump dahil paniwala nito na tila pinagbabawalan ang karapatan ng mga tao.