DAVAO CITY – Inihayag ni Department of Education (DepEd)-Davao Region na maaaring mapilitan ang ahensiya sa pagsuspende sa pilot implementation sa limited face-to-face classes dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid-19.
Ayon pa kay Jenielito Atillo, DepEd–Davao spokesperson, nasa limang mga paaralan sa Davao region ang kabilang sana sa limited face to face sa rehiyon.
Nabatid na nasa tatlong mga paaralan sa Davao de Oro, isang pribadong paaralan sa Davao del Sur at isang private school sa Davao City kung saan pinayagan ang open limited face-to-face classes simula noong Nobyembe sa 2021.
Ang mga paaralan na pinayagan na makapagsagawa ng limited face-to-face alang grades 1 hanggang 3 at senior high school.
Nabatid na ang Davao region ay nasa alert level 2 hanggang Enero 15.
Inihayag rin ni Atillo na wala silang nakitang problema sa isinagawang pilot testing nito sa nakaraang taon.