-- Advertisements --
Nagpaabot ng kaniyang pagbati si Briatin foreign minister Jeremy Hunt matapos makaabot sa kanilang bansa ang balitang tuluyang pagkansela ng Hong Kong sa extradition bill.
Nakasaad sa “one country, two systems” Chinese rule noong 1997 ang garantiya ng mataas na lebel ng awtonomya at kalayaan na hindi nararanasan ng ibang bahagi ng China.
“Well done HK Government for heeding concerns of the brave citizens who have stood up for their human rights,†saad ni Hunt sa Twitter. Dagdag pa nito, ang seguridad umano ng karapatan at kalayaan sa Sino-British Joint Declaration ang mas lalong magpapa-ganda ng kinabukasan ng HK at Britanya.