-- Advertisements --

Welcome sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang usaping pangkapayapaan sa CPP-NPA-NDF (Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front) hanggang hindi tumitigil ang komunistang grupo sa kanilang extortion activities at pag-atake sa government forces.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo, tama lamang ang desisyon ng pangulo na walang saysay kung ipagpatuloy ng pamahalaan ang pakikipag-usap kung nagpapatuloy pa rin sa kanilang iligal na aktibidad ang mga miyembro nito.

Tiniyak ni Arevalo na suportado nila ang anumang hakbang ng pamahalaan lalo na sa pagsusulong ng kapayapaan upang mapaunlad ang mga nayon.

Sinabi ni Arevalo na dahil sa mga kaganapan sa North Cotabato kung saan ilang miyembro ng Presidential Saecurity Group ang nasugatan, gayundin sa Palawan kung saan binaril-patay ang dalawang sundalo habang namamalengke, at sa iba pang lugar, patunay lamang na hindi sinsero ang komunistang grupo sa peace talks.

Naniniwala si Arevalo na ginagamit lamang ng NPA ang oportunidad na makapag-recruit at palakasin ang kanilang puwersa.

Lumang isyu na rin ang mga paratang na ipinupukol ng NPA laban sa militar.

“We welcome the pronoucement of the commander in chief. Indeed it is a futile effort to continue to talk peace with the group like CPP NPA NDF whose members continue to bleed money from the people and senselessly kill our soldiers that defend and protect our people,” wika ni Arevalo.