Sinabi ni PDP-Laban Sec.Gen. Atty. Imee Neri na ang pagsuspinde umano ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa dalawang programa ng SMNI ay isa umanong pagsuway sa kalayaan ng pamamahayag.
Ang nasabing suspensyon ay mariing kinondena ng naturang grupo.
Kamakailan lang ay sinuspinde ng Movie and Television Review and Classification Board ang dalawang programa ng SMNI na “Gikan sa Masa, Para sa Masa” at “Laban Kasama ang Bayan” , matapos itong makatanggap ng mga reklamo laban sa dalawa nitong hosts.
Ayon pa kay Atty. Neri, dapat raw na hinintay ng MTRCB ang findings ng Office of the Prosecutor hinggil sa dalawang programa bago pa mag desisyon na suspindehin ito.
Samantala, sinabi naman ni dating senador Leila de Lima ang SMNI na isa umanong media propaganda na nangunguna sa pagpapakalat ng pekeng balita.