-- Advertisements --

Sinisimulan na ang pagsusukat ng robe na susuotin para sa nakaambang impeachment trial laban Vice President Sara Duterte, ayon kay Senador Alan Peter Cayetano. 

Sinabi ni Cayetano, tinanong na siya na magsukat ng robe na susuotin para sa paglilitis. 

Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug, noong nakaraang dalawang linggo, nagbigay na raw ng go signal si Senate President Francis “Chiz” Escudero na makipagtulungan sa mga senador para sa pagsusukat ng susuoting robe sa impeachment trial. 

Kulay maroon pa rin daw ang gagamiting kulay sa robe ng mga tatayong senator-judge. 

Kung ano aniya ang ginamit na kulay na robe sa paglilitis kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona ay pareho lamang sa impeachment trial kay VP Sara. 

Target ng impeachment court na simulan sa Hulyo 30 ang mismong trial o paglilitis laban kay VP Sara.