Nanindigan ang Department of Labor and Employment na hanggang sa lunes na lamang sa susunod na linggo maaaring isumite ng mga business establishment ang kanilang compliance reports para sa mandatoryong 13th month pay para sa kanilang mga empleyado.
Sa isang mensahe , sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na walang extension na ibibigay ang kanilang ahensya sa mga business establishment na hindi pa nagsusumite ng kanilang compliance reports sa 13th month pay.
Ayon kay Laguesma, ang report of compliance ay dapat gawin nang hindi lalampas sa Enero 15 ng bawat taon.
Dahil dito inaasahan na ang mga kinakailangang report ay maisumite kahit di pa ito tapos.
Giit ng opisyal, mangangailangan kasi ng sapat na panahon ang DOLE para panagutin ang mga kumpanyang nabigong ibigay sa kanilang mga manggagawa ang kanilang 13th-month pay.
Sa ilalim ng Labor Advisory No. 25-2023, ang mga employer ay dapat gumawa ng report of compliance sa mandatoryong probisyon ng 13th month pay.
Sinabi ng DOLE na ang mga ulat ay maaaring isumite sa pamamagitan ng DOLE Establishment Report System sa https://reports.dole.gov.ph/ hindi lalampas sa Enero 15, 2024.