-- Advertisements --

Itinuturing ng isang krimen sa Germany ang pagsusunog ng banidla ng European Union at ibang bansa.

Sa ipinasang bagong batas, makukulong ng hanggang tatlong taon ang sinumang magsunog ng bandil ng EU at ibang mga bansa.

Parehas din na kaparusahan ang kakaharapin kapag binastos ang anumang pambansang awit ng iba’-ibang bansa at ang EU anthem.

Ang nasabing hakbang ay isinulong ng Social Democrats (SPD) matapos na sunugin ng mga protesters ang bandila ng Israel noong 2017.

Ayon kay Justice Minister Christine Lambrecht, na miyembro rin ng center-left SPD, na ang pagsusunog ng bandil sa publiko ay walang kinalaman sa mapayapang protesta at sa halip ay nagpapakita ng galit at pagbastos sa isang bansa.