-- Advertisements --
Nakatakdang magpasa ng batas ang Germany sa pagsusuot ng face mask para tuluyang malaban ang pagkalat ng coronavirus.
Mismong si German Chancellor Angela Merkel ang nagmungkahi ng mandatory na pagsusuot ng mga face mask habang nasa pampublikong lugar.
Nakatakda namang aprubahan ng senado ng nasabing bansa ang panukala.
Sa 16 na estado ng Germany ay dapat magsuot ng face mask sa public transport habang na Berlin ay hindi na kailangan ng face mask kapag nagsho-shopping.
Umaabot na kasi sa mahigit 145,600 ang kaso ng coronavirus sa bansa at mayroong halos 5,000 na ang nasawi.