-- Advertisements --
Iginiit ni Dr. Maricar Limpin ng Philippine College of Physicians na hindi pa ang tamang panahon upang bawiin ng pamahalaan ang mandato na pagsusuot ng face mask sa bansa.
Sinabi ng isang eksperto na dapat maghintay pa ng kaunti ang Pilipinas bago alisin ang pangangailangang magsuot ng face mask sa mga pampublikong lugar, sa kabila ng medyo mababang bilang ng mga bagong impeksyon sa coronavirus.
Aniya, nakita nila ang ebidensiya kung gaano kahalaga at ka epektibo ang proteksyon na ibinibigay ng face mask.
Gayunpaman, sinabi ni Limpin na pabor sila na alisin ang state of public health emergency sa bansa.
Ito ay upang maging masigla na rin ang ating ekonomiya