-- Advertisements --
manila north cemetery

Mahigpit na ipatutupad ng Manila Local Government Unit ang pagsusuot ng facemask sa Manila North at South Cemetery.

Ito ay kahit pa open space ang mga nabanggit na sementeryo.

Sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna, inaaasahang milyong indibidwal ang tutungo sa mga nabanggit na sementeryo at aminado siya na mahihirapan na ipatupad ang physical distancing.

Kaya dapat aniya na maiging magsuot nalang muna ng facemask upang kahit papaano ay maiwasan na mahawaan ng sakit.

Dagdag pa niya na magtatalaga ng mga tauhan ang Manila LGU para sa seguridad ng lahat ng papasok sa loob ng sementeryo.

Hinimok din ng alkalde ang mga hindi pa bakunado gayundin ang mga hindi pa nakatanggap ng second dose at booster shot na samantalahin ang pagbabakuna sa panahon ng Undas.

Top