-- Advertisements --

Naghigpit na ang airline companies sa Canada sa mga pasahero na hindi magsusuot ng facemask.

Ito ay matapos na dalawang Canadians na ang kanilang minultahan ng $765 dahil sa hindi pagsuot ng face mask.

Nakasaad kasi sa bagong batas nila na lahat ng mga sumasakay ng eroplano ay dapat magsuot ng face mask bago sumakay, habang nasa loob eroplano at habang papalabas ng eroplano para hindi na dumami pa ang kaso ng coronavirus.

Umaabot na kasi sa 130,000 na kaso ng virus ang naitala sa Canada na mayroong mahigit 9,000 na pagkasawi.