-- Advertisements --
Naglabas ng panibagong guidelines at World Health Organization (WHO) sa mga bata.
Gaya sa mga may edad, dapat ang mga bata na may edad 12 pataas ay magsuot ng rin ng face mask lalo na at hindi matiyak na susunod sila sa social distancing.
Habang mga bata na may edad anim hanggang 11 ay maaaring magsuot ng face mask basta ginagabayan sila ng kanilang mga magulang.
Hindi naman kailangang magsuot pa ng face mask ang mga bata na may edad lima pababa.
Wala namang binanggit ang WHO na isagawa ang nasabing panuntunan sa mga paaralan.
Maraming paaralan naman sa United Kingdom ang pinapayagang pumasok ang mga mag-aaral ng walang face mask dahil tiniyak nila na mahigpit ang ipinapatupad nilang distancing.