BUTUAN CITY – Tuluyan ng binawi ng News South Wales ang mga paghihigpit sa COVID-19 measures kungsaan sa mismo nilang ospital ay binawi na rin ang pagsusuot ng facemask lalo na sa Sydney City.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Denmark Suede, Pinoy nurse sa Australia, ang bawat-estado ay kanya-kanyang nagpapatupad ng batas maliban lamang sa imigrasyon kungsaan ang gobyerno ng Australia ang siyang masusunod.
Sa 8 mga estado sa Australia, tanging ang New South Wales lamang ang may cut-off sa COVID-19 cases lalo na kung aabot na sa 200 ang kanilang maitatalang local infection bawat araw na syang basehan upang magpapatupad ng lockdown.
Ito’y may kaibahan sa ibang mga estado gaya ng Queensland na kahit may isang kaso lang ay kaagad na ila-lockdown ang buong lugar.
Sa nagdaang 3 buwan, hindi bababa sa 10 mga local transmission ang naitala sa New South Wales at pagkalipas ng ilang linggo ay wala nang naitalang local transmission.