-- Advertisements --

Magiging compulsory na sa France ang pagsusuot ng face masks sa ilang pampublikong lugar.

Kasunod ito ng panibagong pagtaas muli ng mga kaso ng COVID-19 sa nabanggit na bansa.

Nauna ng ipinatupad na dapat magsuot ng face mask sa mga pampublikong sasakyan simula nitong Lunes ay dapat isuot na ito sa mga lugar gaya ng mga shops.

Nagbabala si French Health Minister Oliver Veran na posibleng magkaroon ng hanggang 400 at 500 na active cluster pa rin ng virus.

Una ng nagdeklara ng panalo sa virus si President Emmanuel Macron noong Hunyo at tinanggal na ang national state of emergency.

Muling tumaas ang kaso ng coronavrius sa north-west at sa eastern regions partikular na sa north-western department ng Mayenne.

Isa kasi ang Frances sa may pinakamatinding tinamaan coronavirus na mayroong mahigit 200,000 ang nadapuan at 30,000 na ang nasawi.