-- Advertisements --

Maari pa ring ipatupad ng mga may-ari ng mga establishmento na nasa low alert levels ang paggamit ng face shields.

Ito ay kasunod ng naunang rekomendasyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na mandatory ang paggamit ng face shields sa mga nasa ilalim ng Alert Level 3, 2 at 1.

Ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles, na aprubado ng Inter-Agency Task Force ang pagpapasuot pa rin ng mga may-ari ng establishimento ng face shield sa kanilang mga customers.

Paglilinaw pa rin nito na ang mga may-ari ng establishimento ang tanging may karapatan o discrition sa nasabing pagpapasuot ng face shields.

Magugunitang inaprubahan ng task force na mandatory lamang ang pagsusuot ng face shield sa mga lugar na nasa Alert Level 5 at sa loob lamang ng mga kritikal na lugar gaya ng mga pagamutan.