Mahigpit na babantayan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga pampublikong sasakyan na nagpapasakay ng mga pasahero na walang suot na face shield.
Ito ay kasunod matapos na sa darating na Agosto 15 ay ipapatupad na nila ang mandatory na pagsusuot ng mga faceshield sa mga pampasaherong sasakyan.
Sinabi ni DOTr Undersecretary for Administrative Service Artemio Tuazon Jr, na istrikto itong ipapatupad sa mga lugar na pinapayagan na ang mga public transport.
Nakipag-ugnayan na rin sila sa mga iba’t-ibang transport group sa nasabing kautusan.
Paglilinaw din nila na bukod sa pagsusuot ng face shield ay dapat rin magsuot ang mga pasahero ng face mask at obserbahan ang physical distancing.
Magsisimula naman sa Biyernes Agosto 7 ang pagrerequire sa mga pasahero ng barko.
Laman din ito ng memorandum na inilabas ng Maritime Industry Authority (Marina), Philippine Ports Authority at Philippine Coast Guard na ipinag-utos ang ‘No-Face-Shield-No-Ride” policy.