-- Advertisements --
Kailangan pa ring magsuot ng face mask ang mga tinaguriang fully-vaccinated na mga tao laban sa COVID-19.
Ayon sa World Health Organization (WHO) na kahit na nakakaligtas ng buhay ang bakuna ay hindi pa rin ito sapat kaya dapat magsuot pa ng face mask sa mga lugar kung saan mayroong mataas na kaso ng pagkakahawaan ng virus.
Ipinagigiitan pa ng WHO na hindi sapat ang vaccination rate at dapat tignan ng isang bansa ang bilis ng bagong COVID-19 variant na kumalat sa bansa.
Reaksyon ito ng WHO sa naging mungkahi ng mga health experts sa US na hindi na pinagsusuot ng face mask ang mga taong naturukan na ng dalawang doses ng bakuna laban sa COVID-19.