-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Naglabas na ng kautusan ang Local Government Unit ng Midsayap Cotabato hinggil sa pansamantalang pagbabawal sa pagsusuot ng helmet sa town proper ng bayan.

Batay sa Executive Order No. 54, ipinagbabawal ang pagsusuot ng helmet kapag nakapasok na ang isang rider sa entry point ng town proper mula sa mga checpoint ng Poblacion 8, Greenvalley, Lower Katinggawan at sa BPAT outpost sa Brgy. Sadaan.

Dagdag pa rito, dahil sa hindi na nakasuot ng helmet ang mga riders ay kinakailangang mag-obserba ng speed limit at mahigpit na sundin panuntunang pangkalusugan ng Inter-Agency Task Force gaya na lamang ng pagsusuot ng face mask at face shield.

Samantala, hindi pa rin pinapayagang makapasok sa town proper ang mga dagit-dagit o habal-habal motorcycles.

Ang naturang kautusan ay resulta ng pagpupulong ng Municipal Peace and Order Council (MPOC) kamakailan kung saan layon nito na mas mapalakas pa ang kampanya nito laban sa kriminalidad sa bayan na kinasasangkutan ng mga motorcycle riding in tandem.