-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Mahigpit na binabantayan ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG)-Aklan ang mandatory na pagsusuot ng life jackets sa lahat ng mga pasahero ng motorbanca na pumapasok at lumabas sa isla ng Boracay.

Ayon sa PCG ito na ang kanilang kalakaran bago pa man ang nangyaring trahedya sa karagatang sakop ng Iloilo at Guimaras.

Pinaalalahanan rin nila ang mga boat captain at crew ng mga motorbanca na bago maglayag ay tingnan muna kung may gale warning at kung malalaki ang alon at malakas ang ulan ay ipagpaliban muna ang biyahe lalo pa at karamihan sa mga pasahero ay mga turista.

Samantala, dahil sa epekto ng habagat, inilipat muna ang biyahe ng mga motorbanca sa Tabon-Tambisaan port upang makaiwas sa mga malalaking alon sa silangang bahagi ng isla.

Inabisuhan rin ng ahensiya ang lahat ng mga units na mahigpit na ipatupad ang Memorandum Circular No. 02-13 ukol sa paglayag ng mga sakayang pandagat kapag masama ang panahon.