Minamadali na raw ng Department of Health ang pagsusuri ng mga umano’y expired na delatang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development ng hindi na kokompromiso ang kalidad ng isinasagawang pagsusuri.
Ito ay upang agad na matugunan na itong isyu at managot ang dapat na managot sa nasabing pangyayari.
Kung maaalala, maraming nag reklamo na mga residenteng nakatanggap ng food packs mula sa ahensya at sinasabing hindi na umano maganda ang lasa ng ipinamahaging delata.
Noong mabalitaan raw ng ahensya ang reklamo kaugnay nito, siniguro naman nila na agad itong ma address.
Sa katunayan, inirecall agad ang mga delata upang wala ng iba pang madamay.
Sa ngayon ay hinihintay parin ng Department of Social Welfare and Development ang resulta ng pagsusuri mula sa Food and Drug Administration.
Tinitingnan pa umano kung ligtas ba itong kainin ng mga nakatanggap ang kung ano ang posibleng epekto nito.