Naitala ng real estate services and investment firm ang pagtaas ng bilang ng mga bakanteng opisina sa Metro Manila.
Noong nakaraang taon kasi ay pumalo sa 19.9 percent o katumbas ng 1.8 milyon square meter na available office space.
Sa nasabing bilang ay 51 percent dito ay under vacated space habang 49 percent ay unleased o hindi na narentahan.
Itinanggi rin ng kumpanya na ang pagdami ng mga bakanteng opisina ay dahil sa tuluyang pagbabawal ng gobyerno ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) at sa halip ay ang isinasagawang downsizing o paglilipat ng ilang IT-BPM companies.
May ilang IT-BPM ang lumipat na sa ibang lokasyon dahil na rin sa kagustuhan ng kliyente habang ang ilan ay mas pinili ang mas maliit na lugar.
Dahil dito ay mayroong kaniya-kaniyang alok ang ilang may-ari ng office space gaya ng pagbibigay ng rent free incentives.