-- Advertisements --

Pagtaas ng Covid 19 cases sa Kidapawan City,mga treatment facilities dinagdagan pa

CENTRAL MINDANAO-Sa kabila ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa Kidapawan City ay nananatiling on top of the situation at nakahanda ang City Government sa lahat ng pangangailangan ng mga tinamaan ng sakit.

Ito ang inihayag ni Kidapawan City Mayor Joseph A. Evangelista sa ginanap na COVID-19 Health Cluster meeting sa City Mayors Office na dinaluhan ng mga heads at representatives ng iba’t-ibang tanggapan ng City Government of Kidapawan.

Ayon sa report City Health Office o CHO nasa 148 ang pinakahuling bilang ng active cases sa lungsod at karamihan dito ay pawang mild cases at mga asymptomatic patients.

Pero hindi pa raw kasali ang mga pending results o mga pasyente na nag-aantay pa ng resulta ng kanilang Reverse Transaction Polymerase Chain Reaction – RTPCR, sinabi ni Norial Raquel, COVID-19 Coordinator mula sa City Epidemiology Surveillance Unit o CESU.

Kaugnay nito, pinamamadali ni Mayor Evangelista kay City Administrator Ludivina Mayormita at Medical Consultant at Facility Manager Dr. Thaddeus Averilla ang pagbubukas ng mga karagdagang pasilidad sa lungsod para tumanggap ng mga COVID-19 mild to moderate cases. Kabilang dito Bulwagan sa Barangay Lanao, COVID-19 Building 2 sa Barangay Nuangan, at Kidapawan City Pilot Elementary School sa Barangay Poblacion habang ang mga business establishments ay kinabibilangan ng Ate Vanns, Double R na may sapat na kahandaan para sa pagdagsa ng mga maysakit.

Samantala, patuloy ang City Government of Kidapawan sa pamamahagi ng COVID-19 Care Kit sa mga pasyenteng sumasailalim sa home quarantine na ngayon ay nasa 86 na ang bilang.

Laman ng COVID-19 Care Kit ay alcohol, paracetamol, Vitamin C, digital thermometer, pulse oximeter, 50 pcs face masks, Milo at calling card na nagtataglay ng mga contact/hotline numbers ng CESU.

Natalakay din sa meeting ng COVID-19 City Health Cluster ang pagpapalakas ng vaccination ngayong taon sa pamamagitan ng Bakunahan sa Barangay kung saan natapos na ang Ilomavis (Jan.14), Patadon (Jan. 19), San Isidro (Jan. 20) at Sudapin (Jan. 21). Gagawin naman ito sa mga Barangay Malinan (Jan. 25), Lanao (Jan. 26), Ginatilan (Jan. 27), at Magsaysay.