Naobserbahan ang pagtaas ng covid-19 cases sa mga batang populasyon ng bansa ayon sa isang pediatric infectious disease expert.
Ayon kay Dr. Anna Ong Lim na nakitaan ng pagtaas ng bilang ng admissions sa mga ospital gaya ng nakitang overcapacity sa bilang ng mga kama na nakalaan para sa covid-19 patients partikular sa Philippine General Hospital.
Aniya, maraming mga bata ang hindi pa nababakunahan dahil sila ay nasa murang edad pa lamang na mas mababa sa 5 taong gulang na hindi pa eligible na mabakunahan ng covid-19 vaccines o di naman kaya ay ayaw talaga magpabakuna.
Ayon pa kay Dr. Ong Lim na ang kanilang mga pasyente sa PGHi ay kadalasang vulnerable, may chronic illnesses o immunocompromised. Kung kayat malapit sila sa panganib na magkaroon ng severe at critical disease dahil sa bukod sa sila ay kabilang sa younger age population, mayroon ding commorbidities ang mga ito.
-- Advertisements --