BACOLOD CITY – Natakot dahil sa pagtaas ng Covid-19 cases ang marahas na nag po-protesta araw-araw sa Sudan, na mga taga suporta ng pinatalsik na dating Presidenteng si Omar al-Bashir dahil sa korupsyon, ngunit gusto ng mga ito na pabalikin siya pwesto.
Ang nasabing bansa sa Northeast Africa ay pinamumunoan ngayon ni Prime Minister Abdalla Hamdok at ang problema naman ngayon ay kakulangan sa impormasyon ng mga mamamayan dahil sa kakulangan ng budget para makapag supply na maraming news papers.
Sa ulat ni Star FM Bacolod Sudan-international correspondent Sel Delfin, sinabi niyang hindi maabot ng balita ang karamihan sa buong Sudan kaya nagreresulta ito ng kawalan din ng paraan para makaiwas sa Covid-19 ang mga tao kaya pataas ang kaso sa kanila na umabot na sa 3,976 at 170 ang naitalang namatay.
Dagdag pa ni Delfin na panatag na sana sila dahil wala ng pag protesta ngunit nandiyan naman ang banta ng Covid-19 sa kanilang kalusogan.