-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Ikinaalarma na ng Sorsogon Provincial Health Office ang patuloy na naitatalang mataas na kaso ng COVID-related deaths sa lalawigan.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Jun Bolo sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, natukoy sa kanilang pag-aaral na 72% ng mga indibidwal na namatay ay mula sa elderly sector o senior citizen.

Karamihan ang napag-alamang may comorbidities kagaya ng sakit na diabetes at kidney failure kaya’t paalala maging sa mga nakababatang populasyon na mag-ingat upang hindi makaapekto sa vulnerable sector.

Umakyat ang bilang ng nasawi sa nakalipas na Mayo at Hunyo 2021 kung saan higit 80 ang namatay sa deadly virus.

Apela rin ni Bolo na magkaroon ng data reconciliation sa mortality rates o bilang ng mga namamatay dahil hindi umano magkatugma ang datos ng provincial at regional offices.

Mas mababa kasi ang tala ng DOH regional office.

Binigyang-diin pa ni Bolo na salik rin sa mataas na naitatalang COVID-deaths ang pagsasagawa ng post mortem swab sa mga ospital habang sa kabila nito ay mataas rin ang recovery rate.