-- Advertisements --

Inaasahan na ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang pagdami ng mga foreig businesses na magpaparehistro sa bansa.

Ito ay kasunod ng pagkakatanggal ng Pilipinas mula sa listahan ng mayrong laganap na money laundering at terrorism financing.

Sinabi ni SEC chairman Emilio Aquino, na maaring madoble ang mga negosyo mula sa ibang bansa lalo na at mabalitaan ang pagkakatanggal na ng Pilipinas sa ‘grey list’.

Paglilinaw din nito na mula pa noon ay maraming mga foreign companies ang nagparehistro sa kanilang opisina.

Base sa listahan ng SEC ng Foreign Investment Registration Station na inilunsad noong 2023 ay aabot na sa 10,000 kumpanya ang nagparehistro.