DAVAO CITY – Nababahala ngayon ang Department of Health Davao sa paglobo ng kaso ng COVID 19 sa Davao Region.
Base sa huling report ng ahensya, as of April 10, kabilang ang Davao region sa may pinakamaraming kaso na umabot sa 375 na naitala sa loob ng 14 na araw.
Nangunguna naman sa listahan ang National Capital Region na may 1,074 na mga kaso.
Karamihan sa mga kaso ang naitala sa Davao City na may 282 COVID case.
Samantala, sa kabuuan, nakatala ng 50 na bagong kaso ang rehiyon kung saan 30 nito ang mula sa Davao de Oro, 26 sa Davao del Norte, 19 sa Davao Oriental, at 12 naman na kaso sa Davao del Sur.
Ayon sa OCTA Research Group, ang Davao del Sur, kabilang na ang Davao City ay nakapagtala ng pinakataas na positivity rate na nasa 12.2% kung ihahambing sa ibang probinsya sa bansa.
Tinatayang umabot sa 100 hanggang 150 ang mga natalang bagong kaso ng COVID 19.
Ngayong araw isasagawa ang closed door meeting ng concerned agencies hingil sa pagtaas ng kaso ng Covid.