-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Health ang pagtaas ng kaso ng bilang ng Human Metapneumovirus (HMPV) sa China.

Ayon kay DOH spokesperson, assistant secretary Albert Domingo sa naturang pahayag umano ng Chinese Center for Disease Control and Prevention (CCDCP) kinumpirma nito ang pagtaas ng kaso ng bilang ng mga tinatamaan ng HMPV sa China.

Dagdag pa nito ang iba pang mga sakit na laganap rin umano sa bansa kabilang ang respiratory syncytial virus, at influenzavirus A, na ani Domingo sanhi ng acute respiratory infection na madalas lumalaganap sa tuwing taglamig.

Samantala, naitala naman ng ahensya ang 10 bilang ng kaso ng HMPV sa Pilipinas noong Disyembre ng nakaraang taon na ayon kay Domingo ‘walang history ng pinagmulan.

Kasama lang daw ito sa mga naturang sakit na kanilang naitala na laganap sa Pilipinas kabilang ang mga rhinovirus na isang common cold, enterovirus na kalamitang nakukuha sa mga kontaminadong mga pagkain at tubig, influenzavirus A o trangkaso, respiratory syncytial virus, at adenovirus.

Bagamat may mga ganitong uri ng sakit na lumalaganap ay pinayuhan naman ng DOH ang publiko na hindi kailangan mangamba ang mga ito dahil hindi umano ito kumakalat.

Mas maiging palakasin na lang muna daw ang ating mga resistensya para ng sagayon makaiwas sa anumang uri ng sakit.