Naniniwala ang PNP Anti Kidnapping Group (AKG) na ang pagtaas ng bilang ng mga naitatalang kidnapping sa mga Chinese nationals ay dahil sa pagdami ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).
Batay sa datos na inilabas ng AKG, mula taong 2017 nakapagtala sila ng 52 kaso ng casino related kidnapping kung saan umabot sa 119 na Chinese nationals ang kanilang naaresto.
Ayon kay PNP AKG Director, PCol. Jonnel Estomo, nasa 30 POGO ang illegal na nag operate sa bansa.
Nasa 56 POGO naman ang legitimate na nag-ooperate sa bansa kung saan nasa 100,000 hanggang 250,000 Chinese nationals ang nagta trabaho.
Sinabi ni Estomo, patuloy ang kanilang pakikipag ugnayan sa DOJ, Bureau of Immigration , at DOLE upang ma-monitor at mas mabilis na maaresto ang mga nasa likod ng mga kaso ng kidnapping.